7

Jan 12, 2021 @ 17:33
By

Specimen ng nakasalamuha ng Covid-positive na OFW lalabas na

Inaasahang ilalabas ngayong Miyerkules o Huwebes ang resulta ng specimen sa mga nakasalamuha sa Pilpinas ng overseas Filipino worker na nahawa sa UK COVID-19 variant matapos masuri sa Hong Kong.

Sinabi ni Department of Health Undersecretary Rosario Vergeire na na-trace nila ang close contacts ng OFW sa kanyang pamilya at kamag-anak sa kanilang probinsiya pati na sa Metro Manila at mahigpit na minomonitor ang mga ito.

Pinoproseso na aniya ang kanilang sample specimen para matukoy kung nahawaan ba ang mga ito sa UK COVID variant ng OFW.

“Lahat po sila minomonitor, nakakuha rin po tayo ng specimens for RT-PCR at the same time for the whole genome sequencing at maaaring hanggang Huwebes ay lumabas na ang resulta ng mga ito,” ani Vergeire.

Lahat aniya ng nagkaroon ng close contact sa OFW ay nasa mahigpit na quarantine at monitoring ng DOH.

Matatandaang December 7,2020 nang umalis sa kanilang probinsiya sa Luzon ang OFW patungong Maynila para sa kanyang flight noong December 22, 2020 patungong HongKong.

January 2, 2021 nang ianunsiyo ng mga otoridad sa HongKong na positibo sa new variant ng COVID ang OFW na unang nakita sa United Kingdom.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?