44

Oct 24, 2017 @ 12:25

‘Special player’ si Pasaol

Kahit nasa seventh place sa 3-7 ang University of the East, kompiyansa pa rin si head coach Derrick Pumaren na sasampa sila sa semifinals ng 80th UAAP basketball tournament.

Ito’y dahil ipinagmamalaki ni Pumaren ang kanyang malupit na bataan na si Alvin Pasaol.

Sa huling laro ng Red Warriors, kumayod si Pasaol ng 32 points, 13 rebounds at tigalawang steals at blocks para itarak ang 73-64 panalo kontra UP.

Para kay Pumaren, special player si Pasaol kumpara sa ibang sikat na cagers na nahawakan niya.

“Alvin, his game, has been ready. If he wants to score he can score. Very deceiving,” hayag ni Pumaren. “Medyo yung katawan, akala natin hindi kaya ng katawan pero you’ll be surprised. He is willing to sacrifice his body. Alvin is a very special player so far na na-handle ko.”

Kahit pinupulikat ay tuloy sa laro si Pasaol, isinalpak pa ang panelyong tres.

Sa kabayanihan, nasikwat nito ang pangalawang UAAP Press Corps-Chooks To Go Player of the Week award. Kinalawit ni Pasaol ang unang weekly citation nang umiskor ng 49 points sa 106-100 loss ng UE kontra defending champion De La Salle. (Elech Dawa)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?