45
views

By

Special non-working day sa Navotas sa Biyernes

Sharing is caring!

Special non-working day ang araw ng Biyernes, Enero 5 sa Navotas City partikular na sa mga barangay ng North Bay Boulevard South (NBBS), Tangos at Tanza, base na rin sa Proclamation No. 391 upang makaboto sa plebisito ang mga nasasakupan ng nasabing mga barangay.

Nangangahulugan itong walang pasok sa mga pampubliko at maging sa mga pribadong paaralan at ahensiya sa mga nasabing barangay.

Sa gagawin umanong paghahati ng NBBS, Tangos at Tanza ay mas maisusulong ang kapayapaan at kaayusan ng mga komunidad.

Gayundin ay masisiguro umano na ang lahat ng mga nasasakupan ng bawat komunidad ay mabibigyan ng karampatang serbisyo publiko.

Ang plebisito ay gaganapin alas-siyete ng umaga hanggang alas-tres ng hapon sa mga paaralan ng NBBS Elementary School, Kapitbahayan Elementary School, Tangos Elementary School-Main, Tangos Elementary School-Annex at Tanza Elementary School. (Cherk Balagtas)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?