96

By

Special feature: Pasaway award goes to…

John Lloyd, Mariel, Paul, Xander, Jake, Mocha, Diego

ANG dami na ngang yearend reports na naglabasan, pero sa totoo lang wala pa talagang nagmarka sa aming kamalayan na masasabing malaking pasabog sa taong 2017.
Malaki ang impluwensya ng social media kaya lumalaki at nagiging isyu na napapag-usapan ang isang pangyayari, at doon active na active ang netizens sa pagbibigay ng sariling pananaw.
Kapag kanegahan at kalait-lait, kinukuyog ito ng bashers at dito nakikita ang daming nagdunong-dunungang nagbibigay ng kanilang komento sa isyung napapag-usapan.
Kaya naisip naming balikan itong mga isyu o mga pangyayari sa 2017 na ang dala lang ay kanegahan, kaokrayan, kalait-lait na sana huwag nang ulitin sa 2018.

 

UNA rito ay ang mga bangayan sa social media ng ilang kilalang celebrities na wala namang pinatunguhan. Huwag na sanang maulit ang pakikisawsaw ni Paul Salas sa konting gulo nina Daniel Padilla at JC de Vera sa basketball event ng Star Magic.
Tila wrong timing naman kasi na pagkatapos naayos ang dalawa, itong si Paul naman ay nagpatutsada pa kay Daniel sa social media na umabot sa hamunan ng one-on-one na wala namang nangyari.

 

INAASAHANG hindi na rin maulit ang mga matatalas na statement na ipino-post ni Mariel de Leon sa kanyang Twitter account, hanggang sa sinawsawan din ng Davao City Mayor Sara Duterte.
Huwag na huwag na po sanang mag-post uli si Mayor Sara ng kuha niyang naka-one piece. Utang na loob!

 

ANG isa pang huwag na rin sanang maulit sa 2018 ay ang pag-post ni John Lloyd Cruz sa kanyang IG account ng sarili niyang dumi (ebak). Dagdagan pa ng pagpapalitrato niya sa tabi ng gasul.
Ilan lamang iyun sa mga kanegahang naglabasan sa social media para makita lang ng lahat ang masayang relasyon nila ni Ellen Adarna.

 

OKAY lang ang magparetoke at ipangalandakan ang malaking pagbabago ng mukha, pero sana pati ang ugali ay binago na rin. ‘Yun ang huwag na sanang ulitin ng kung sino mang gustong sundin ang ginawa ni Xander Ford.
Malaking kuwento ng Rated K ang pagbabago ng mukha niya at naging instant star siya. Pero feeling lang iyun ni Xander dahil wala namang nangyari sa career niya pagkatapos niyang alipustain si Kathryn Bernardo at dagdagan pa ng pag-post niyang nagbibilang ng pera. Kaya nu’ng nagpakulo silang nawawala siya, walang kumagat at mas ninais pa ng ilan na tuluyan na lang siyang mawala.

 

HINDI na rin sana maulit at wala na sanang sumunod sa ginawa ni Charice Pempengco na binago ang anyo, ang pangalan at pati ang boses. Hindi kinagat ang pagbabago ng pagkataong naging si Jake Zyrus.
Kaya kung sino mang kilalang celebrity na gusto nang mag-out as in out na out, sana i-retain pa rin ang image na nagpasikat sa inyo dahil doon kayo minahal ng sambayanan.
May narinig kasi kaming isang kilalang male balladeer na gusto nang mag-out at aminin ang tunay na sexual preference, pero hanggang doon na lang sana. Huwag na magbago ng anyo dahil hindi nababagay.

 

HETO pa ang ibang isyu na hindi na namin gustong mangyari pa para mapagpiyestahan lang sa social media.
Maging maingat na sana si Asec. Mocha Uson sa mga statement na inilalabas niya, dahil ang dami niyang semplang nitong 2017.
Manahimik na rin sana ang patutsadahan nina Cacai Bautista at Ahron Villena dahil nakakarimarim ang dating sa amin.
Wala na rin sanang sumunod sa ginawa ni Diego Loyzaga na nakipag-away sa social media na tipong ipinahiya ang kanyang amang si Cesar Montano. Dahil madalas ngang sinasabi, kahit na anong mangyari, magulang mo pa rin ‘yun. Kadugo mo pa rin!
Ang ending, nagkaayos na sila, pero nagu-Google mo pa rin ngayon at hindi na mabubura ang masasakit na salitang binitawan niya laban sa kanyang ama.
Pati si Suzette Doctolero ng GMA 7 ay magdahan-dahan na rin sana sa mga ipino-post niya dahil ang ilan lang naman sa mga sinasabi niya at mga puna nito sa ilang programa ay bumabalik din sa kanya.
Inaasahan naman ang mas magandang line-up na entry ng Cinemalaya sa 2018. Kasumpa-sumpa ang karamihan sa mga pelikulang isinali sa 2017, kaya sana makabawi sila sa susunod na taon.
At finally, sana wala na tayong mababalitaang mga artistang sangkot pa rin sa droga. At ang mga na-rehab at dumaan sa matinding pagsubok ay makakabalik na sana sa 2018.
Looking forward for a brighter and positive career in 2018 to Mark Anthony Fernandez, JM de Guzman, Baron Geisler, at sana makabalik na si John Lloyd Cruz!

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?