29
sereno2
By

Special en banc sa SC, tuloy kahit balik-trabaho na si Sereno

Sharing is caring!

Magpapatuloy ang botohan ng mga mahistrado ng Korte Suprema sa Biyernes, Mayo 11, sa quo warranto petition na kinakaharap ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Ito’y sa kabila ng pagbabalik-trabaho ni Sereno ngayong araw.

Sa media advisory na ipinalabas ng Supreme Court (SC) Public Information Office, salig sa abiso ni Acting Chief Justice Antonio Carpio, ang special en banc session ng Korte Suprema sa Biyernes ay magsisimula ganap na alas-10:00 ng umaga.

Ayon naman sa isang source, kung sisipot si Sereno sa special en banc session, hihilingin ng mga mahistrado na siya ay umalis ng sesyon dahil tatalakayin ang kaso laban sa kanya.

Nauna nang sinabi ng mga abogado ni Sereno na plano ng Punong Mahistrado na mag-preside ng special en banc session pero mag-i-inhibit siya pagdating sa deliberasyon ng kanyang kaso.

Sinabi naman ng isa sa mga mahistrado ng Korte Supreme na si Sereno ay maituturing na “primus inter pares” o first among the equals.

Ibig sabihin, iisa lamang siya sa 15-miyembro ng SC na isang collegial body.

Dahil ang indefinite leave niya ay resulta ng consensus ng mga mahistrado, ang pagbabalik niya sa trabaho ay dapat din umanong desisyunan ng SC En Banc.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?