132

Jul 15, 2021 @ 18:08
By

Speaker Velasco ‘tumaya’ na kay Sara Duterte

Sa gitna ng awayan sa loob ng PDP-Laban, “tumaya” na ang executive vice president nito na si Speaker Lord Allan Velasco kay Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio kung tatakbo ito sa pagka-pangulo sa susunod na taon.
“I will support her (Duterte-Carpio) all the way,” sabi ni Velasco.

Nagbabanggaan sa PDP-Laban ang paksyon ni Senador Manny Pacquiao at Energy Secretary Alfonso Cusi. May mga miyembro ang PDP-Laban na nais na si Pacquiao ang suportahan ng partido sa presidential election.

“I’ve said in the past, both in public and in private, that Mayor Inday Sara is very qualified to be the country’s next president. She can unify us and lead us forward,” dagdag pa ni Velasco.

Sumama si Velasco kay Carpio ngayong Huwebes sa pagbisita nito sa Zamboanga City. Pinirmahan doon ang sister city agreement sa pagitan ng Davao City at Zamboanga City.

Dumalaw din ang dalawa sa Camp Navarro General Hospital kung saan nagpapagaling ang mga survivor sa pagbagsak ng C-130 plane sa Sulu.

Sa isang panayam, sinabi naman ni HNP Secretary General Anthony del Rosario na nagsasagawa si Carpio ng konsultasyon kaugnay ng kanyang posibleng pagtakbo sa pagkapangulo sa May 2022 elections.

“Because of that declaration that she is open (to run) nabanggit po niya na its only natural that she would undergo deeper consultation of course most importantly with her immediate family secondly of course with her political allies third of course is with her grassroots supporters,” sabi ni Del Rosario.

Bago pumunta sa Zamboanga, nagkita sina Carpio at dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa Maynila.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?