19

Jul 22, 2021 @ 16:36
By

Speaker Velasco pabor na silipin paggastos sa COVID fund

Pabor si Speaker Lord Allan Jay Velasco na silipin ng Kongreso kung papaano ginastos ng gobyerno ang mga pondo na panlaban sa COVID-19 pandemic.

Sa isang panayam sa telebisyon, natanong si Velasco kung dapat bang maging prayoridad sa pagbubukas ng sesyon ng Kongreso ang pagtingin kung papaano ginastos ng gobyerno ang mga pondo para matugunan ang mga pangangailangan sa pandemya.

“Definitely kailangan yun,” tugon ni Velasco.

Sinabi ni Velasco na bukod sa power of the purse ang Kongreso ay mayroon ding oversight power.

“Definitely lahat ng mga budget na ipinapasa po namin is we need to find out whether it is being spent well. So I’m sure we’re going to have a few hearings so that the Executive will be able to explain and show to us kung saan na po nila nagamit ang mga pondo na inilaan po natin para sa pagsagot sa COVID-19 pandemic,” dagdag pa ni Velasco.

Mayroong mga kumukwestyon sa paraan ng paggamit ng gobyerno ng mga pondo para tugunan ang mga pangangailangan dulot ng COVID-19 pandemic.

Kamakailan ay kinuwestyon ni Senator Manny Pacquiao ang pamamahagi ng social amelioration program (SAP) fund sa mga pamilya na naapektuhan ng lockdown na nabahiran umano ng korapsyon.

Itinanggi naman ito ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?