40

Jul 26, 2021 @ 10:50
By

Speaker Velasco muling tatakbo sa Kamara

Inanunsyo ni House Speaker Lord Allan Velasco nitong Lunes na muli siyang tatakbo sa Kamara sa 2022 elections.

Si Velasco ang kongresista ng nagiisang distrito ng Marinduque.

“Yes, I’m running for reelection. I still have last term, people are speculating that I may go to a higher position but definitely, I still have a lot to finish in my province so I would want to finish first and work for my province of Marinduque,” pahayag ni Velasco sa isang TV interview.

Dagdag pa niya, depende pa sa kanyang mga magiging kasamahan sa Kamara kung muli siyang maluluklok bilang House Speaker.

“That would actually depend if I have the support of the majority of Congress. If I have that, then definitely I would still gun for the speakership,” ani Velasco.

Oktubre 2020 nang maupo bilang speaker si Velasco, kung saan pinalitan niya si Taguig-Pateros Rep. Alan Peter Cayetano.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?