39

By

Speaker Gloria tiwala pa rin kay Andaya

Binalewala lamang ng liderato ng Mababang Kapulungan ng Kongreso nitong Biyernes ang panawagan ni Camarines Sur 2nd District Rep. Luis Raymund Villafuerte na pagpapatalsik sa kanyang mortal na kaaway na si House Majority Floor Leader Rolando Andaya Jr., bilang pinuno ng mayorya sa Kamara.

Ayon kay dating Pangulo at ngayo’y Speaker Gloria Macapagal Arroyo, karamihan ng mga miyembro ng Super Majority Bloc sa Kamara ay tiwala pa rin sa pamumuno ni Andaya bilang pinuno ng makapangyarihang House Committee on Rules.

“Well I don’t know how many congressmen shared that sentiment as far as I can see the majority still supports the incumbent,” paliwanag ni Ginang Arroyo.

Ayon kay Arroyo, si Andaya pa rin ang kanyang pipiliin kung sakaling ipilit ng mga grupong may galit o tampo sa Bicolanong mambabatas matapos nitong ibuking ang mga hinihinalang mga budget insertions at ‘parked funds’ sa panukalang P3.757-trilyong Pambansang Budget ngayong 2019 na hindi pa rin naipapasa ng Kongreso.

“I am only one vote and I still vote for Nonoy. I exercise democracy, I am open-minded,” sabi ni Arroyo.

Giit ni Arroyo, kayang-kaya na umano ni Andaya na lusutan ang bantang pagpapatalsik sa kanya ni Villarfuerte bilang Majority Floor Leader.

“I think Nonoy can take care, I am not an interventionist person on political matters. I am selectively hands on,” paliwanag ng dating Pangulo.

Unang iginiit ni Villafuerte na nagiging malaking tinik na si Andaya sa mga programang inilalatag ng Administrasyong Duterte dahil sa patuloy nitong pag-harang sa mga line-item projects na nakalaan sa ilalim ng 2019 National Expenditure Program (NEP).

Si Villafuerte ay kilalang malapit sa dating liderato ng Kamara sa ilalim ng napatalsik na si dating Speaker Pantaleon “Bebot” Alvarez.

Ilang opisiyal ng dating liderato ng Kamara at mga kakampi nitong mambabatas ang iniuugnay ni Andaya na nakipagsabwatan kay Budget Sec. Benjamin Diokno upang mabigyan ng magagdang proyekto ang kani-kanilang mga nasasakupang distrito sa ilalim ng 2018 at 2019 budget, lalo na sa maanomalyang flood-control projects sa ilalim ng administrasyong Duterte.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?