110

Jul 30, 2018 @ 14:57
By

Speaker Gloria, Mayor Sara sabay nananghalian

Magkasama sa pananghalian sina Speaker Gloria Macapagal-Arroyo at Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio sa Seda Vertis North sa Quezon City.

Tinawag ni Speaker GMA na private, social gathering at thank you lunch ang pagkikita nila ng presidential daughter.

Kasama rin sa pananghalian ang 184 na kongresistang bumoto kay GMA bilang speaker kabilang sina Davao del Norte Rep. Antonio Floirendo Jr., Negros Occidental Rep. Albee Benitez, 1-PACMAN Rep. Mikee Romero, Bulacan Rep. Gavini Pancho, San Jose del Monte Rep. Florida Robes, Bulacan Rep. Linabelle Villarica, Buhay Rep. Lito Atienza, at 1-Sagip Rep. Rodante Marcoleta.

Ayon kay Benitez, si SGMA ang nag-preside sa pagtitipon kung saan inulit nito ang panawagan sa mga kongresista na bumalik na sa trabaho at suportahan ang legislative agenda ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Kasabay ng kontrobersyal na pagpapalit ng liderato sa Kamara, umugong na suportado ni Mayor Sara ang pagluklok kay GMA bilang Speaker kapalit ni dating Speaker Pantaleon Alvarez. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?