443

Jul 31, 2018 @ 19:34
By

Speaker Arroyo tiniyak na tuloy ang 2019 elections – Benitez

Personal umanong tiniyak ni Speaker Gloria Macapagal-Arroyo sa mga kongresista na tuloy ang 2019 midterm elections.

Ayon kay Negros Occidental Rep. Albee Benitez, nais ni GMA na matigil na ang isyu ng no-el na dating pinalutang ng pinalitan nitong si dating Speaker Pantaleon Alvarez.

Ginawa ito ng Speaker kasunod nang pagtiyak din ni Budget Secretary Benjamin Diokno na may pondo para sa eleksiyon sa susunod na taon.

Kasabay nitoý sinabi rin ni Benitez na handa na ang Kamara na maka-trabaho ang mga senador para sa isinusulong na pagpapalit ng sistema ng gobyerno tungo sa federal form.

“We will work hand in hand with them and invite the Senate to convene in a constituent assembly so that we can make the first step in moving forward in this issue,” sabi ni Benitez.

Bukas rin umano ang Kamara sa posisyon ng Senado na hiwalay silang bumoto sa pagpapanukala ng amyenda sa 1987 Constitution para maisulong ang federalism.

“If it means that we would accept the conditions of the Senate that we would vote separately, at this stage we are accepting that stand. So much has to move forward to be able to approve the concept of federal Constitution, and we would have to accept the said stand,” ani Benitez.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?