63

Oct 15, 2017 @ 12:34

Speaker Alvarez babawi sa bumagsak na ratings – solons

Kumpiyansa ang mga miyembro ng Kamara na tataas ulit ang ratings ni Speaker Pantaleon Alvarez kapag napagtanto ng mga tao ang epektibo at malakas na liderato nito.

Ayon sa mga kongresista, kailangan lamang makita ng publiko ang maraming bills na ipinasa ng Mababang Kapulungan na pakikinabangan ng mga tao lalo na nang mahihirap at mariginalized sectors, at magsusulong ng pag-unlad ng bansa.

Binigyang-diin ni Deputy Speaker at Cebu Rep. Gwendolyn Garcia na ang mahusay na pamumuno ni Alvarez ang dahilan kaya naaksyunan ang mahahalang mga panukalang batas.

“In fact, this Second Regular Session alone before we adjourned, the House managed to pass so many significant bills such as the “Magna Carta of the Poor,” “Universal Health Coverage For Filipinos,” “Instituting Policies For The Protection And Welfare Of Caregivers,” “Medical Scholarship and Return Service Program,” among others. We also passed on record time the 2018 General Appropriations Bill which is now in the Senate. All of these were passed under the competent leadership of Speaker Alvarez,” sabi ni Garcia.

Para naman kay Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers, Chairman ng House Committee on Dangerous Drugs, ang mga katulad ni Alvarez ang tipo ng lider na hindi pinapansin ang kritisismo at sa halip ay ginagawa itong inspirasyon sa pagbibigay ng serbisyo-publiko.

“That’s what Speaker Alvarez has shown. Strong leaders make unpopular decisions and policies not to be popular, but to deliver what is good and just,” ayon kay Barbers.

Sinegundahan ito ni Oriental Mindoro Rep. Reynaldo Umali, Chairman ng House Justice Committee na nagsabing hindi popularity-conscious ang Speaker.

“While we are confident his ratings will rise again, we’ve seen that Speaker Alvarez is a leader who bases his decision on what is right and necessary, and not on what is popular. That is the mark of a true and strong leader,” pahayag ni Umali.

Sa panig ni Quezon City Rep. Winston Castelo, ang pagbagsak ng ratings ng Speaker ay bunsod ng naunang desisyon ng Kamara na bigyan ang Commission on Human Rights ng pondong P1,000 para sa susunod na taon na binawi rin naman kalaunan.

“Sometimes that is the natural consequence of exercising your political will and expressing candid political sentiments,” saad ni Castelo.

Dagdag naman ni Isabela Rep. Rodito Albano, hindi masusukat sa pamamagitan ng surveys ang mga nagawa na ng kamara ngayong 17th Congress sa ilalim ng liderato ni Speaker Alvarez.

“The surveys do not reflect everything the House has done under the able leadership of Speaker Alvarez. Whenever there are issues about governance, he is always supportive in ferreting out the truth through inquiries so that the appropriate remedial legislative measures are subsequently crafted. He also ensures that legislative priority is given to the approval of pro-people, pro-poor bills,” sabi ni Albano. (Pearl Serrano)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?