23

Mar 24, 2020 @ 12:14
By

SPD mas maghihigpit sa pag-iinspeksyon

Nilatag ng Southern Police District ang isang full body thermal scanner sa Filinvest exit North bound mula Laguna patungong Alabang at Maynila.

Ayon sa SPD, layon nito ay upang ma-monitor ang temperature ng bawat motoristang dumadaan sa South Super Highway patungong Maynila.

Katuwang ng SPD ang Philippine Marines sa pagpapatupad ng 24/7 checkpoint sa SLEX upang ma-monitor ang mga motoristang nagtataglay ng sintomas tulad ng lagnat at ubo’t sipon.

Nasa 37.5 temperature ng katawan ng tao ang hindi na papayagang makapasok ng Muntinlupa at Maynila.

Pagpapahingain muna bago ulitin ang temperature thermal scanner sa taong nagtataglay ng mataas na temperatura.

Kung hindi magbabago ang termperatura nito saka na nila ito iho-hold bago naman sila tatawag ng doctor para suriin kung nagtataglay ba ito ng sintomas ng Covid-19.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?