15

Mar 1, 2021 @ 14:22

SPB: Kouame gawing Pinoy para makasama sa FIBA!

Umaasa ang Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) na pipirmahan na ng mga kinauukulan ang naturalization ni Ange Kouame lalo pa’t nakasama ang Gilas Pilipinas sa FIBA Olympic Qualifying Tournament 2020.

Giit ng pamunuan ng SBP, kailangan kasi si Kouame sa naturang kumpetisyon.

“Whenever we compete in international tournaments, we always aim to send the best team possible to make our Filipino fans proud,” wika ni SBP president Al S. Panlilio.

“We will be coordinating with the PBA to plot our plans moving forward and we’re hopeful that Ange Kouame’s naturalization will be signed into law by then to give Gilas Pilipinas Men that added boost it needs to be more competitive,” dagdag pa niya.

Nito lamang Biyernes nang inansuyo ng SBP na papalitan ng Gilas ang koponan ng bansang New Zealand matapos itong itong ma-pull out sa laro.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?