45

May 25, 2020 @ 19:57
By

Spain tatanggap na muli ng turista simula Hulyo

Hindi na kailangang magkansela ng plano ang mga overseas tourist na nais na magbakasyon sa Spain ngayong taon.

Sa anunsyo ni Spanish Primer Pedro Sanchez nitong Lunes, pinaplano na nilang buksan ang kanilang bansa para sa mga turista sa Hulyo kung hindi lalala ang sitwasyon ng COVID-19.

“As you know, Spain receives more than 80 million visitors a year. I am announcing that from July, Spain will reopen for foreign tourism in conditions of safety. Foreign tourists can also start planning their holidays in our country,” saad ni Sanchez sa ulat ng schengenvisainfo.

Nakatakda na ring magpatuloy ang top-flight soccer league ng Spain na La Liga.

“The hardest part is over… We’re sending everyone a message today: Spain will be waiting for you from July,” dagdag ni Sanchez.

Ang Spain ang ikaapat sa pinakagrabeng tinamaan ng COVID-19 sa mundo.

Sa ngayon ay may 282,370 infected; 28,678 na namatay at 196,958 na nakarekober sa virus sa Spain.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?