43

Jul 2, 2018 @ 12:02
By

Spain nilaglag ng Russia sa World Cup

Nagretiro na si Andres Iniesta sa international soccer, ang midfielder na simbolo ng golden generation ng Spain, matapos matalo ang koponan niya sa Russia sa isang penalty shootout sa World Cup noong Linggo.

Hindi umubra ang talento ni Iniesta dahil muling nalaglag sa major tournament ang Spanish team sa ikatlong pagkakataon.

“The reality is that this was my last match with the national team,” anang 34-anyos na si Iniesta.

Ibinangko sa pagsisimula ng laro si Iniesta at ipinasok lang sa second half na tabla ang iskor sa Russia, 1-1.

Pero hindi nabasag ng presensiya niya ang tablahan sa iskoring at nanatili itong 1-1 sa extra time.

Naipanalo ng Russia sa 4-3 ang laban sa pamamagitan ng penalties para maiselyo ang spot sa quarterfinals. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?