84

Sep 16, 2019 @ 14:10
By

Spain kampeon sa World Cup

Nagsanib sa 35 points sina Ricky Rubio at Sergio Llull upang ipagkaloob sa Spain ang pangalawanng championship nang masakerin ang Argentina, 95-75, sa wakas ng 18th Fiba World Cup 2019 Linggo ng gabi sa China, Setyembre 15.

May 20 pts. si Rubio para sa 8 straight win ng Spaniards, naging pangsiyam na team na dumale ng quadrennial men’s hoopfest na walang talo.

Bakas si Pau Gasol nang 14 markers para sa mga Kastila sa ika-2 niyang WC title tapos nitong 2006. Ginaya rin niya si Lamar Odom na nanalo ng World Cup gold medal at NBA title sa parehas na taon para maging ikalawang basketbolista pa lang na nakagawa nito.

Nakauna si Odom nitong 2010 para sa Los Angeles Lakers at sa US squad.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?