6

Dec 4, 2020 @ 15:37

‘Space Jam 2’ ni LeBron mapapanood sa Hulyo

Inanunsyo na ng HBO Max ang release date ng inaabangang reboot ng Space Jam na sumikat noong 90’s na pinagbidahan naman ni NBA legend Michael Jordan.

Ang Space Jam 2 ay pagbibidahan ni NBA champ LeBron James na mapapanood na sa Hulyo 16, 2021.

Hindi lang ito sa mga sinehan ipapalabas kung hindi maging sa HBO Max, sabay ang araw ng pag-ere nito sa sinehan at sa HBO.

Maaaring mapanood ang pelikulang ito ni James habang relaks na relaks lang sa sariling bahay.

Pag-aari ng Warner Brothers ang Space Jam na inaasahang papatok sa takilya at tatangkilikin lalo na ng basketball fans.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?