149

May 3, 2020 @ 14:38
By

South Korea, North Korea nagbarilan sa border

Tumaas ang tensyon sa pagitan ng North at South Korea matapos na umalingasaw ang mga putok ng baril sa border ng dalawang bansa.

Bandang alas-7:40 ng umaga ay nagpaputok umano ang North Korea patungo sa guard post ng South Korea, base sa pahayag ng joint chiefs of staff ng SoKor nitong Linggo.

Saad ng South Korea, ang mga nagpaputok ay mula sa militar ng Nortk Korea, kung saan gumanti din ang South ng dalawang putok.

Ayon sa statement, wala umanong nasaktan sa nasabing palitan ng putok.

Ang nasabing tensyon sa dalawang bansa ay nangyari ilang oras lang matapos lumantad si North Korean Supreme Leader Kim Jong Un sa publiko matapos manahimik ng tatlong linggo.

Nitong Sabado ay naglabas ng larawan ang media ng North Korea kung saan makikita na dumalo si Kim sa ribbon cutting para sa isang fertilizer plant.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?