90
South Korea, nag-donate ng mga wheelchair sa Pilipinas
Mar 29, 2019 @ 21:13
By

South Korea, nag-donate ng mga wheelchair sa Pilipinas

Nagbigay ng halos 200 na wheelchair ang South Korea na mula sa iba’t ibang grupo para sa mga Pilipino na may kapansanan.

Mula ito sa United Korean Community Association in the Philippines at Sorok Uni Foundation, Inc., sa tulong din ng ilang celebrity donor mula sa South Korea.

Ang pamamahagi ng 180 na wheelchair ay isa umanong pagtanaw ng utang na loob sa Pilipinas na tumulong sa Korean war.

Sa susunod na taon ay plano namang mag-donate ng mga stroller para naman sa mga batang Pinoy na may kapansanan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?