35

Jul 29, 2021 @ 23:05
By

South Cotabato dinagsa ng turista

Tuloy sa paglago ang turismo ng lalawigan ng South Cotabato.

Ayon kay Richie Matunding, program assistant ng South Cotabato Arts, Culture Tourism and Museum unit, kabuuang 712,053 domestic at foreign visitor ang bumisita sa lalawigan mula Enero hanggang Hunyo, na bumawi mula sa pagbagsak ng tourist arrival nila noong nakaraang taon.

Halos 300 porsiyento aniya ang itinaas ng kanilang tourist arrival na mula sa naitalang 179,543 turista sa kaparehong period noong 2020.

Dahil umano ito sa pagluwag ng mga COVID-19 restriction ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases.

Pinaka-dinagsa raw ang kanilang summer at eco-tourism capital na Lake Sebu sa 256,814 tourist arrival.

Sa 68 dayuhan namang pumunta sa lalawigan, pinakamarami ay mula sa Amerika (23), sinundan ng mga South Korean (20) at pito mula sa China.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?