36

Mar 4, 2021 @ 15:31
By

South African variant nakapasok sa Pampanga

Isang kaso ng South African variant ng coronavirus disease ang na-detect sa bayan ng Minalin sa Pampanga nitong Huwebes.

Ayon sa ulat, isa itong 36-anyos na babae na dumating sa bansa mula sa Dubai noong Pebrero.

Siya ang kauna-unahang kaso ng South African variant sa lalawigan.

Dadalhin na ang pasyente sa isang isolation facility sa New Clark City.

Samantala, palaisipan kay Gov. Dennis Pineda ang kaso ng pasyente dahil na-discharge ito mula sa isang quarantine facility sa Metro Manila.

Sa genome sequencing process ng mga random sample lamang nakita ang South African variant sa pasyente.

Natukoy na aniya ang mga close contact ng babae at nakatakdang isalang sa testing, dagdag ni Pineda sa Inquirer report.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?