47

Dec 26, 2017 @ 19:46

‘Sound of Music’ actress Heather Menzies-Urich, patay na

Namatay dahil sa brain cancer si actress Heather Menzies-Urich, na isa sa mga anak ng pamilya von Trapp sa 1965 film na ‘The Sound of Music’.

Binawian siya ng buhay sa edad na 68, ayon sa anak nitong si actor Ryan Urich.

Namatay ang kanyang ina noong Linggo sa Frankford, Ontario.

Gumanap bilang Louisa von Trapp, ikatlo sa panganay ng pitong von Trapp children, si Heather.

Nakahamig ng limang Academy Awards, kabilang na ang best picture, ang ‘The Sound of Music’.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?