11

Dec 28, 2020 @ 17:09
By

Sotto: Walang mali sa pagturok sa mga sundalo ng ‘di awtorisadong COVID bakuna.

Walang nakikitang mali si Senate President Vicente Sotto III sa pagbakuna kontra COVID-19 sa mga sundalo sa bansa kahit wala pang inaprubahang vaccine ang Food and Drug Administration (FDA).

Aniya, walang batas na pumipigil sa sinumang Pilipino na magpabakuna na hindi pa sertipikado ng FDA.

“I don’t think there’s anything wrong about that. There is no law that says you cannot take any medicine or vaccine that FDA has not approved,” pahayag ni Sotto.

“Last I recall, there is even no law vs suicide. So what’s the fuss?” dagdag niya.

Ang pahayag ni Sotto ay matapos sabihin ni Pangulong Rodrigo Duterte na ilang sundalo na ang naturukan laban sa COVID-19 sa kabila ng paalala ng mga health official na iwasang gumamit ng mga gamot na hindi pa aprubado ng FDA.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?