6

Nov 7, 2020 @ 18:53
By

Sotto tutol na idagdag anti-insurgency budget sa calamity fund

Kinontra ni Senate President Vicente Sotto III ang panawagan na idagdag sa calamity fund ang P19.2 bilyong budget ng gobyerno para sa anti-insurgency.

“Hindi papayag ang DBM [Department of Budget and Management] na galawin pa iyong budget ng Presidente. Siguro papayag kami na dagdagan ang calamity fund pero hindi doon kukuhanin [sa anti-insurgency fund]. Maraming pagkukuhanan, huwag na nila pag-initan ang anti-insurgency sapagkat mabigat iyon,” sambit ng senador sa panayam sa DWIZ nitong Sabado.

Dinepensahan niya ang pondo na inilaan sa National Task Force to End Local Communist Armed Conflict, na gagamitin aniya para makapagbigay ng pangkabuhayan at hindi mahikayat ang publiko na sumali sa mga komunistang grupo.

“Ito ang pinaka-isyu na hindi pinag-uusapan, kapag nilinis mo ang isang area, nilinis mo ng insurgence ganoon-ganoon na lang? Hindi. Kailangan lagyan mo ng livelihood, lagyan mo ng pagkakakitaan. Kung hindi, babalik at babalik sila,” paliwanag ni Sotto.

“Kaya doon ang punta noon, hindi sa sundalo ang punta noon. Huwag silang mag-alala,” dagdag pa niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?