21

Mar 26, 2020 @ 17:15
By

Sotto tiwalang gagaling sa COVID-19 ang 3 senador

Sa kabila na tatlong senador na ang tinamaan ng coronavirus, nananatiling positibo si Senate President Vicente Sotto III.

Aniya, very supportive raw ang mga kapwa nila mambabatas kina COVID positive Senators Migz Zubiri, Koko Pimentel at Sonny Angara.

Tiwala si Sotto na malalagpasan nina Zubiri, Pimentel at Angara ang kinakaharap na problema sa kanilang kalusugan dahil na rin sa pagpapalakas ng loob nila ng mga kapwa nila senador.

“All the other Senators are very supportive and boosting their morales. I am optimistic that these fine young men will hurdle their predicaments,” pahayag ng pinuno ng Senado.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?