16

By

Sotto ‘sisipain’ na si Koko bilang Senate President sa Mayo 21

Sharing is caring!

Magkakaroon ng balasahan sa liderato ng Senado sa susunod na linggo.

Ayon sa source ng Abante, magkakaron ng eleksiyon sa Mayo 21 para ihalalal si Majority Floor Leader Vicente “Tito” Sotto III bilang bagong Senate President.

Papalitan niya ang kasalukuyang lider ng Senado na si Aquilino “Koko” Pimentel III.

Dapat sana’y ngayong linggong ito magaganap ang pagpapalit ng liderato subalit ipinagpaliban dahil sa pagpanaw ni dating Senate President Edgardo Angara.

Nauna nang kinumpirma ni Senadora Cynthia Villar na bababa na sa puwesto si Pimentel para paghandaan ang kanyang reelection bid.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?