859

Apr 4, 2020 @ 11:06
By

Sotto sinagot si Moreno: Mga senador tumutulong na walang nakabuntot na media, kamera

Kinontra ni Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III ang naging pahayag ni Manila Mayor Isko Moreno na tila wala umanong ginagawa ang mga senador ngayong krisis ng COVID-19.

Saad ni Sotto, sana umano ay mahimasmasan at magkaroon ng tamang katinuan ang mga humahamon sa mga senador na inuudyukan silang tumulong sa kapwa.

Paglilinaw ni Sotto, ang Senado ang nagpasimula ng special session para maipasa ang batas na naglalayong makapagbigay ng pondo para sa ayuda sa mga mahihirap na pamilyang Pilipino na apektado ng enhanced community quarantine sa bansa.

Ito ay ang ‘Bayanihan to Heal as One Act’, na isa sa mga measure ay ang pagbibigay ng cash assistance na abot sa P5,000 hanggang P8,000 sa nasa 18 milyong pamilyang Pilipino.

Ayon pa sa Senate President, maraming mga senador, naka-quarantine man o hindi, ang nagpapaabot ng tulong sa iba’t ibang lugar sa tahimik na paraan.

“Sa katotohanan, karamihan ng mga kasama ko sa Senado, naka-quarantine man o hindi, ay tahimik na tumutulong sa ating mga kababayan sa iba’t ibang bayan o lugar sa aming personal na kapasidad,” giit ni Sotto.

“Wala kaming mga media na nakabuntot sa amin 24 oras para makaEPAL lang sa panahon ng COVID19,” aniya pa.

Nanawagan din ang Senador na itigil muna ng mga politiko ang pagpapa-cover ng kanilang tulong ngayong panahon ng krisis sa virus.

“Tigilan muna ang pagiging EPAL at oagiging KSP,” patama pa nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?