47

Nov 30, 2021 @ 22:48
By

Sotto sasandalan ni Brutton

Inaasahan ni Adelaide 36ers coach CJ Brutton si Kai Zachary Sotto sa nalalapit na debut sa Australia’s 44th National Basketball League (NBL) regular season sa linggong ito makaraang makopo ng team ang pre-season title via five-game sweep.

Ibinahagi ni Bruton kamakailan ang ilang inaasahan sa 19-year-old, 7-foot-3 Pinoy cage phenom.

“I think right now it’s just Kai being the best player he can be at this point in time and to continue to work on his body and his skills and understanding our system and stuff. On the floor, he’s definitely adapted very well,” sey ni Bruton sa isang press conference kasama ang Tap DMV nitong isang araw.

Dinagdag pa niya, “From my time arriving in Adelaide, he’s been outstanding with how he approaches every day. He’s definitely enjoying life as he already told you in Adelaide, but as for his playing or where we see him, everything is day-to-day and that goes for all our players,”

Unang makakasagupa ng 36ers sa NBL regular season opener ang Perth Wildcats sa Biyernes.

Nakaisang laro lang si Sotto sa 36ers na sinungkit ang katatapos na pre-season Loggins-Bruton Cup NBL Blitz, pero kumayod ng pitong puntos at limang rebound sa loob ng 20 minuto kontra Cairns Taipans.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?