27

Jul 18, 2021 @ 10:25
By

Sotto sali ba Fiba Asia Cup? Thirdy, Ildefenso balik sa Gilas

Kasama ang pangalan ni Thirdy Ravena sa Gilas Pilipinas pool na maghahanda para sa 2021 Fiba Asia Cup na gaganapin sa Agosto.

Ito ang pagbabalik ni Thirdy matapos ang isang season sa Japan B. League para sa SanEn Neophoenix.

Bukod kay Thirdy, magbabalik din sa national team ang ilang hindi nakalaro sa Fiba Olympic qualifying tournament at Asia Cup qualifiers dahil sa injury.

Kasama dito sina Allyn Bulanadi, Rey Suerte, Matt Nieto, Tzaddy Rangel, Dave Ildefonso at Kemark Carino.

Pasok din sa Gilas training sa Inspire Sports Academy sina William Navarro, Carl Tamayo, Geo Chiu, Dwight Ramos, Isaac Go, Jordan Heading, Jaydee Tungcab, Justine Baltazar, SJ Belangel, RJ Abarrientos, at Angelo Kouame.

Kapansin-pansin naman na wala ang pangalan ni Kai Sotto sa training pool, pati ang magkapatid na sina Javi at Juan Gomez de Liano.

Nakatakda nang mag-ensayo ang Gilas matapos magnegatibo ang lahat sa RT-PCR test.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?