56

By

Sotto sa PDEA, BOC: Awat na ang sisihan sa nakalusot na P6.4B shabu

Sharing is caring!

Pinatitigil na ni Senate President Vicente Sotto III ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Bureau of Customs (BOC) sa pagtuturuan ng sisi kaugnay ng nakalusot na isang tonelada ng shabu.

Idiniin ni Sotto na dapat nagtutulungan ang dalawang ahensya sa halip na nagbabangayan.

“Hindi dapat nag-aaway sa publiko, wala munang sisihan. Imbestigahan muna,” ani Sotto.

Nitong Biernes, nadiskubre ng PDEA sa General Mariano Alvarez, Cavite, ang bodega na may apat na magnetic filters na hinihinalang pinagsidlan ng shabu.

Walang nakumpiskang shabu at wala ring nahuling smuggler nito.

Sa isang panayam, sinisi ni PDEA Director General Aaron Aquino ang PDEA dahil tiyak umanong may kasabwat doon ang mga smuggler.

Ayon naman kay PDEA chief Isidro Lapena, dapat ay tinimbrehan sila ng PDEA kung mayroon na silang hawak na intelligence report ukol sa kontrabando.

Sinabi ni Sotto na dahil sa ganitong insidente, kailangan na ng isang task force sa Office of the President na maaring mag-utos sa PDEA at Customs na magsanib-pwersa sa kampanya kontra droga.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?