3,151

By

Sotto sa mga nang-iismol: Bilangan tayo ng nagawang batas

Sharing is caring!

Hindi pinalagpas ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III ang mga nangmamaliit sa kaniyang kakayanan na pamunuan ang Senado.

Hinamon niya ang mga kritiko na bilangin ang kaniyang mga naipagawang batas at ang kaniyang accomplishments bilang matagal na majority leader at naging minority leader din.

Ito aniya ang ikumpara sa accomplishments ng mga naging senador at pangulo ng senado na sinasabing malayo sa kaniya ang kalingkingan.

Idiniin na sa kaniyang pagiging jurassic senator o pinakamatagal nang senador sa lahat ng mga nanunungkulan, 26 years, marami siyang naipagawang batas at markado rito ang mga batas laban sa droga at krimen.

“Ang sarap nilang sagutin nang pabalang pero huwag na lang. Hayaan mo na opinyon nila yun pero tingnan muna nila ang mga naipasa nila ang record nung mga ikinukumpara nila sa akin. Bilangin nila ang nailasa nilang batas, ilang beses silang nagsilbing majority leader at minority leader,” ani Sotto.

Hinimok naman nito ang mga kritiko na bantayan ang pagtatrabaho ng Senado sa ilalim ng kaniyang pamumuno.

Tiniyak naman ni Sotto na sa kaniyang liderato, makikiisa ang Senado sa legislative agenda ng administrasyong Duterte pero umanoy pananatilihin ang independence ng institusyon.

Kabilang sa tinutukoy na legislative agenda ng Malakanyang ang panukalang Bangsamoro Basic Law (BBL) at ang pag-amyenda sa Konstitusyon para sa federalism.

Bilang pangulo ng senado, si Sotto ang ikatlong pinakamataas na opisyal ng bansa at concurrent chairman ng Commission on Appointments.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?