96

Apr 17, 2021 @ 19:27
By

Sotto sa DOH: Kumilos na para walang mamatay sa COVID

Dapat nang kumilos ang Department of Health (DOH) upang maiwasan ang pagdami ng namamatay sa bansa dahil sa COVID-19, ayon kay Senate President Vicente Sotto III.

Kasunod ito ng babala ni Pangulong Rodrigo Duterte na marami pang mamamatay sa COVID dahil sa kakulangan ng supply ng bakuna sa mundo.

Naniniwala ang pinuno ng Senado na ang pinariringgan ng Pangulo sa naging pahayag ay ang DOH at hindi ang publiko.

“Siguro praktikal ang sinasabi niya pero kung ako naman ang Department of Health, ‘pag nagsalita ang President ng ganyan, aba, kumilos ka. Baka ikaw ang pinariringgan ng Presidente doon, hindi ang taumbayan,” ani Sotto sa panayam sa DWIZ nitong Sabado.

“Humanap ka ng treatment, humanap ka ng cure,” dagdag niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?