118

Jan 19, 2021 @ 15:34
By

Sotto sa alok ni Duterte na Pfizer vaccine: Thanks but no thanks

“Thanks but no thanks.”

Ito ang sagot ni Senate President Vicente Sotto III sa alok ni Pangulong Rodrigo Duterte na mag-o-order siya ng Pfizer vaccine para sa mga senador matapos nitong tanggihan ang pinapaborang bakuna na gawa ng American firm.

Noong Lunes, hindi kinagat ni Duterte ang panawagan ng ilang senador na gawing prayoridad ang pagbili sa Pfizer vaccine.

“Tell him thanks but no thanks! I wonder what gave him the idea that the senators favor Pfizer?”pahayag ni Sotto sa mga reporter.

“I asked Sen. [Christopher] ‘Bong’ Go yesterday after he made his pitch if the President is informed of what’s transpiring in our hearings. He (Go) said yes but apparently not!” dagdag nito.

Sa kanyang post sa Twitter, sinabi ni Sotto na mas gusto ng mga senador ang anumang bakuna na tama ang presyo at maayos ang pagbili at distribusyon.

“I wonder who gave [President Rodrigo Duterte] the wrong info that senators favor Pfizer? We do not! We favor any vaccine CORRECTLY PRICED! Properly procured and distributed!” sabi ni Sotto.

Sa kanyang speech, binanggit ni Duterte si Senadora Risa Hontiveros na naunanang humiling na tiyaking makakabili ng gamot na gawa ng Pfizer matapos makakuha ng approval mula sa Food and Drug Administration (FDA) noong Enero 14.

Itinanggi din ni Senador Panfilo Lacson na mas gusto ng mga senador ang bakuna ng Pfizer.

“I haven’t heard of any senator who has expressed preference for the Pfizer vaccine or any brand for that matter,” sabi ni Lacson.

“What we are doing in the Senate is an exercise of our oversight over the appropriations laws that we passed particularly on the purchase of the vaccines,” dagdag pa nito sa kanyang text message sa mga reporter.

Iginiit pa nito na walang political agenda sa pagdinig ng Senado sa COVID-19 vaccination plan ng gobyerno.

“Most of us who participated in the public hearings of the [Committee of the Whole] merely want to get straightforward and honest responses from the concerned authorities so we will be informed for our future reference in our legislative work,” ani Lacson.

“Instead, the resource persons were groping, inconsistent, flip-flopping and even evasive in their responses – hence our misgivings and apprehensiveness,” dagdag pa nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?