304

By

Sotto, Rivero sali sa Gilas vs Jordan

Sharing is caring!

Masusubukan na ang dalawang top prospect ng Gilas Pilipinas sa parating na laro kontra Jordan.

Kasama sa 13-man lineup sina Kai Sotto at Ricci Rivero sa tune-up game ng PH team kalaban ang Jordan bilang preparasyon sa 5th window ng Fiba World Cup Asian Qualifiers.

Magagamit umano ni PH national team coach Yeng Guiao ang dalawa lalo’t naglalaro pa ang kanyang ibang player sa semis ng PBA Governors Cup 2018.

Kasama ng dalawa sina June Mar Fajardo, Alex Cabagnot, Marcio Lassiter, Arwind Santos, Christian Standhardinger, Gabe Norwood, Jayson Castro, Matthew Wright, Troy Rosario, Beau Belga, at Poy Erram.

“I guess it’s a chance for me to use Kai Sotto and Ricci Rivero. We have about 12 to 13 guys already and what I’m trying to do is to make the most use out of the 13 guys that are here and the most use of our time,” saad ni Guiao.

Haharapin ng Pilipinas ang Kazakhstan sa Nobyembre 30, at Iran sa Disyembre 3, parehong sa Mall of Asia Arena.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?