62
ABANTE vicente sotto iii constitution change
By

Sotto presintang referee sa alitang Duterte, simbahang Katoliko

Nag-alok si Senate President Tito Sotto III na maging referee sa pagitan ni Pangulong Rodrigo Duterte at ng Simbahang Katoliko.

Kusang gawa umano ito dahil marami ang hindi na nasisiyahan sa banatan ng Pangulo at ng ilang pari at Obispo.

“Marami na kasi sa mga kababayan natin ang uncomfortable with the situation. May nababato at bumabato pagbalik, ang Palasyo at members of the Catholic Church, the leaders of the Catholic Church, especially the bishops and the priests, so might as well try na find a dialogue,” ani Sotto.

Sinisikap na umano niyang makaugnayan ang Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP).

Tityempuhan naman umano niya ang pangulo kapag nakausap niya sa loob ng linggong ito ukol sa Road Board Abolition Bill.

Kung wala itong puntahan, sinabi ni Sotto na hindi ito kawalan.

“Subukan ko lang, wala namang mawawala. We’ll try to mediate if it’s possible at all. If not, at least we tried,” ani Sotto.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?