122

Jul 28, 2021 @ 18:24
By

Sotto: Premyo ni Hidilyn Diaz ilibre sa buwis

Plano ng Senado na hikayatin ang Bureau of Internal Revenue (BIR) na ilibre sa buwis ang mga matatanggap na premyo at insentibo ni Olympic gold medallist Hidilyn Diaz.

Sa sesyon, hiniling ni Senate President Vicente Sotto III sa Committee on Rules na pag-aralan ang paghahain ng resolusyon na humihiling sa BIR na ilibre na sa buwis si Diaz sa mga matatanggap nitong premyo at mga insentibo.

“May I request that the Committee on Rules study the possibility of filing a resolution urging the Bureau of Internal Revenue to exempt Hidilyn Diaz from taxes from her winnings as an Olympic gold medalist,” sabi ni Sotto.

Tugon naman ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri, chairman ng rules committee, na pinag-aaral na ito ng kanyang komite.

“We have to see if there’s legal implications or violation of law so the Committee on Rules will study that,” sabi ni Zubiri.

Sa kasalukuyan, umabot na sa P35 milyon ang matatanggap na cash ni Diaz para sa kanyang makasaysayang gold medal sa weightlifting competition sa Tokyo Olympics.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?