201

By

Sotto posibleng akayan si Trillanes patungong kulungan

Payag si Senate President Vicente Sotto III sa mungkahi ni Interior and Local Government Secretary Eduardo Año na siya ang maghatid kay Senador Antonio Trillanes IV sa kulungan sakaling isyuhan ito ng Korte ng warrant of arrest.

Ayon kay Sotto, gagawin nya ito para masigurong ligtas si Trillanes mula sa paglabas ng Senado hanggang sa pagkukulungan dito.

Katungkulan daw niya ito bilang lider ng senado

“Para masigurong safe siya. I am the leader of the Senate. I will do it for any other senator,” pahayag ni Sotto.

Tiyak naman aniya na maayos na sasama si Trillanes patungo sa kulungan kung sakali.

“May commitment naman siya. Sabi niya kapag may warrant haharapin niya,” sabi ni Sotto.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?