80
Sotto pasalamat sa mataas na trust rating
Jul 17, 2019 @ 15:41
By

Sotto pasalamat sa mataas na trust rating

Nagpasalamat si Senate President Vicente “Tito” Sotto III sa publiko dahil sa kanilang patuloy nilang pagtitiwala at suporta sa kanyang liderato bilang pinuno ng Senado.

Iceland resolution, biased – Sotto

Ayon kay Sotto, ang mataas niyang approval at trust rating base sa latest Pulse Asia Survey ay repleksiyon hindi lang ng kanyang liderato kundi ng buong institusyon ng Senado.

Sotto kapit pa rin sa Senate presidency – Drilon

“I am humbled by the continued display of support from the public. The latest survey is a reflection not on my leadership but on the institution which I serve,” pahayag ni Sotto sa isang statement.

Panukalang 14th month pay, inihain ni Sotto

Ayon sa resulta ng survey na isinagawa mula June 24 hanggang 30, si Sotto ay nakakuha ng 77 percent na approval rating at 73 percent na trust rating.

Sotto, Lacson, Zubiri perfect attendance sa Senado

“We, at the Senate, dispense our duties not for the sake of high or good ratings but to conscientiously perform our mandate with the public interest in mind,” sabi pa ni Sotto.

“What I can assure, under my leadership, is that the Senate will continue to strive and focus on our legislative work,” dagdag pa niya.

Sa naturang survey, si Pangulong Rodrigo Duterte pa rin ang ‘most trusted’ na opisyal ng gobyerno kung saan nakakuha siya ng 8 percent approval at trust rating.

Si Vice President Leni Robredo naman ay nakakuha ng 55 percent na approval rating habang 52 percent ang trust rating.

Si dating House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo ang may pinakamababang grado sa kanyang 26 percent na approval rating at 22 percent na trust rating.

Si Supreme Court Chief Justice Lucas Bersamin naman ay mayroong approval rating na 41 percent at 35 percent na trust rating.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?