38

Apr 17, 2021 @ 18:04
By

Sotto panangga Ivermectin vs COVID

Ibinunyag ni Senate President Vicente Sotto III na umiinom din siya ng anti-parasitic drug Ivermectin upang protektahan ang sarili laban sa coronavirus disease.

Kaya nanawagan siya sa Department of Health at Food and Drug Administration (FDA) na aprubahan ang paggamit ng Ivermectin bilang paggamot at pag-iwas sa COVID.

“Ako rin eh. Ako umiinom ako eh. Prevention. Once every two weeks,” reaksyon ng Senate chief sa panayam sa DWIZ nitong Sabado patungkol sa mga testimonya sa pagiging mabisa laban sa coronavirus infection ng Ivermectin.

Ani Sotto, may mga kilala siyang nagpositibo na nawala ang mga sintomas at nagnegatibo sa virus matapos uminom ng Ivermectin.

“Meron akong mga kakilala, tinamaan ng COVID, tumira ng tatlong araw ng Ivermectin. Pagdating ng pang-apat, panlimang araw tanggal na lahat ng symptoms, naghintay na lang ng 14 days bago nagpa-check ulit, pagpa-check negative na. Ang dami kong kilalang ganun eh,” dagdag niya.

“Walang pakialam ang FDA kung ano gusto kong ilagay ko sa katawan ko,” sambit pa niya.

Giit pa ng senador, sinisiraan lamang ng mga kritiko at ibang pharmaceutical company ang Ivermectin dahil mas mura ito kumpara sa ibang produkto.

Sa ngayon ay dalawang ospital sa bansa ang pinayagan ng FDA na gumamit ng Ivermectin sa mga pasyenteng may COVID-19.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?