215

May 15, 2021 @ 17:05

Sotto nagtaka sa pondo ng pension ng AFP sa Bayanihan 3

Ipinagtaka ni Senate President Tito Sotto ang umano’y nakalagay na pondo para sa pension ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa bersyon ng kongreso ng Bayanihan to Arise as One Act o Bayanihan 3.

Sa isang panayam, binanggit ni Sotto na iilan lamang ang pinagkaiba sa bersyon ng senado at ng kongreso, ngunit napansin niyang may nakasingit sa pondo ng Bayanihan 3 ng kongreso na kuwestiyonable.

“Meron lang isa o dalawang pagkakaiba pero maganda itong version ng senate, maganda rin naman sa house kaya lang meron sila dun sore thumb, bakit nakapasok pensyon ng AFP?” pahayag ni Sotto.

Gayunpaman, sinabi ng senate president na susuriin nila ang naturang pondo at ilalaan ang nasabing pension sa ibang bagay sa oras na magsimula na ang Bicameral conference ng naturang panukalang batas.

“Sa senate version wala kaya okay lang makikita natin yan, may panahon naman para magbicam agad,” saad ni Sotto.

Ayon pa kay Sotto, bandang Setyembre maguumpisa ang senado sa pandinig para sa Bayanihan 3.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?