139
Sotto, Martin, Gutang, Thirdy, Blatche niligawan ng Mighty
May 28, 2019 @ 18:01
By

Sotto, Martin, Gutang, Thirdy, Blatche niligawan ng Mighty

Ilang bigating pangalan sa mundo ng Philippine basketball ang sinubukang tapikin ng Mighty Sports upang makabuo ng isang matatag at de-kalibreng National squad sa kampanya nito sa 2019 Jones Cup sa Taipei, Taiwan sa Hunyo 12-21.

Ilan sa mga napabilang sa kanilang radar sina Arizona State guard Remi Martin, UP fighting maroons guard Juan Gomez de Liano, Justin Gutang ng College of St. Benilde, 2019 Collegiate Player of the Year Thirdy Ravena, Macau Black Bears Fil-Am guard Mikh McKinney at 7-foot-2 bigman Kai Sotto.

Sa kasamaang-palad ay may kani-kanilang stint na kailangang paghandaan ang mga ito tulad ng UAAP at NCAA habang si Sotto naman ay nakatakdang magbalik upang mag-ensayo sa Amerika.

“Remy Martin was also being considered and discussed but we haven’t been able to contact him. With Kai, I was hoping after our World Cup Stint, since we are together, I could get him to the Jones Cup,” saad ni Tiu na tumayong assistant coach ng Gilas Youth. “Pero kailangan nilang magpahinga at magpautloy sa training. So we respected their decision.”

Sinubukan ding anyayahan ng Caesar Wongchuking-owned team si naturalized big man Andray Blatche upang makatulong sa paghahanda nito sa 2019 FIBA World Cup sa Setyembre.

“Kay Andray, we can say na gusto naminsiya tulungan na magkaraoon ng tournament to get him in tip-top form bago ang World Cup,” saad ni Tiu.

Sa kasalukuyan, siyam na players na ang pinangalanan ng Mighty Sports na sina Jeremiah Gray, Roosvelt Adams, Jason Brickman, Gab Banal, Joseph Yeo, Mikey Williams, Aaron Black, Renaldo Balkman at Eugene Phelps.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?