17

Oct 12, 2020 @ 15:27
By

Sotto, Lacson, Bato nagbunyi sa panalo ng Lakers

Kabilang ang ilang senador sa milyon-milyong fans na nagdiwang matapos masungkit ng Los Angeles Lakers ang ika-17 kampeonato nang ilampaso sa NBA Finals ang Miami Heat, 106-93, nitong Lunes.

Sa binahaging larawan ng journalist na si Milky Rigonan, makikita pa sina Senate President Vicente Sotto III, Senador Panfilo “Ping” Lacson at Senador Ronald “Bato” dela Rosa na nakasuot ng Lakers face mask.

Biro naman ni Senador Lacson, “Isa diyan (hindi ako), dating Miami Heat. Ang bilis bumaliktad! Hehe.”

Sa kanyang Instagram account, nag-post din si Senador Lacson ng larawan kung saan kasama na nila si Senador Bong Go na naka-Lakers face mask din.

https://www.instagram.com/p/CGPA5e5H2h4/

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?