30

Feb 28, 2021 @ 23:38
By

Sotto, Kouame, 2 pang Fil-Am sa Gilas

Pagsama-samahin sina Kai Sotto, naturalized center Angelo Kouame, at Fil-Ams AJ Edu, at Remy Martin ng Arizona State para sa Gilas Pilipinas.

Ito ang inaasam ni Gilas team captain Kiefer Ravena, na kung hindi mangyayari sa nakamit ng 30th Fiba Olympic Qualifying Tournament sa Belgrade, Serbia sa taong ito, ay sa pagho-host ng bansa sa 2023 World Cup.

“It would be best na sana ay mabuo na natin ang isang competitive team,” ani Ravena, na kasamang nagsanay si Kouame habang nasa training bubble sa Inspire Sports Academy sa nakalipas na halos dalawang buwan.

Si Edu ay kasalukuyan na nasa Estados Unidos habang si Sotto ay inaasahang makakapaglaro para sa Gilas lalo na ngayong libre na ang 7-foot-3 center. Si Martin ay patuloy naman ang pagpapahayag ng kagustuhang makapaglaro para sa Gilas habang nasa kampanya sa US NCAA.

Iginawad ng Fiba sa Pilipinas ang tiket sa OQT nang umatras ang New Zealand upang muling mabuhay ang tsansang makatuntong matapos ang matagal na panahon sa nalalapit na 2020 Tokyo Olympics.

Sasabak ang Pilipinas sa June 29-July 4 na torneo kung saan kasama nito sa matinding Group A ang host at 2019 World Cup fifth placer Serbia at 2017 America Cup seventh placer Dominican Republic.

Tanging ang dalawang mangungunang koponan sa dalawang grupo na maglalaban ang uusad sa semifinals at ang tatanghaling kampeon sa Belgrade OQT ang aakyat sa Tokyo Games. (Angelito Oredo)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?