19

Jun 15, 2021 @ 16:04
By

Sotto kasama sa final 12 ng Gilas vs Korea

Nilabas na ang pangalan ng 12 manlalaro ng Gilas Pilipinas para sa kanilang unang laban sa third window ng 2021 FIBA Asia Cup qualifiers.

Nasa listahan sina Dwight Ramos, Justine Baltazar, Javi Gomez de Liano, Mike Nieto, William Navarro, Jaydee Tungcab, SJ Belangel, RJ Abarrientos, Carl Tamayo, at team captain Isaac Go.

https://www.instagram.com/p/CQIei8VnKbv/?fbclid=IwAR1O5OrKXqUtgD9cq746DAWCT5yb5QWz5MuEHN9CkXmDRFJvLjqEwS_Sr50

At gaya ng inaasahan at inaabangan ng lahat, ito na rin ang unang laro ng naturalized player ng Gilas na si Ange Kouame.

Bukod pa kay Kouame, isinama rin sa lineup ang 7’3 NBA prospect na si Kai Sotto.

Bagamat ilang araw pa lamang nakakasama ng koponan si Sotto sa ensayo, kumpyansa ang binatang manlalaro na mabilis siyang nakakasabay sa sistema ni coach Tab Baldwin.

Bukas ay ang karibal ng Pilipinas na South Korea ang kanilang makakaharap.

Tangan ang 3-0 kartada, isang panalo na lamang ang kailangan ng pambansang koponan para makapasok sa 2021 FIBA Asia Cup.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?