91

By

Sotto: Kapag pinilit ang leadership change, minority magiging majority

Ang plano umanong pagpapatalsik ng mga incoming senator kay Senate President Vicente Sotto III ay magreresulta ng mga neophyte lawmaker na bubuo sa bagong minority bloc sa 18th Congress.

Ito ang nakikitang senaryo ni Sotto kung ipipilit aniya ang leadership change sa Senado.

Naiulat kasing may plano umano si Senator-elect Francis Tolentino na itulak si Senadora Cynthia Villar para ipalit kay Sotto.

“If ever that happens, the minority will become the majority. Because there are nine or 10 of us [in the majority bloc] and there are four in the minority. So what does that add up to? Eh di ‘yon ang magiging majority,” saad ni Sotto.

“‘Pag pinilit nila ‘yung sinasabi nila, ni Tolentino at ni Marcos, ang mangyayari magkakaroon ng bagong majority. There will be a new majority but it will definitely not be them. They cannot get the majority. We will remain the majority,” dagdag pa niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?