49

Apr 17, 2021 @ 20:20
By

Sotto: Ivermectin biglang taas-presyo

Batid ni Senate President Vicente Sotto III na ilang “walanghiya” ang nagtataas ng presyo ng anti-parasitic drug Ivermectin dahil sa pagiging maingay nitong gamot laban sa COVID-19.

“Merong nagwawalanghiya eh. ‘Pag nahuli ko ‘yun babatukan ko ‘yun. P35 lang isang capsule, binebenta P250. Kaya ‘yung ibang kompanya naiinis dun kasi mura,” ani Sotto sa panayam sa DWIZ nitong Sabado.

Kasabay ito ng pag-aming maging siya ay umiinom ng Ivermectin bilang proteksyon kontra COVID-19.

Nanggaling aniya sa Pilipinas ang iniinom niyang Ivermectin.

Ani Sotto, marami kasi siyang kakilala na nagpositibo ngunit nawala ang mga sintomas at nagnegatibo sa virus matapos uminom ng Ivermectin.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?