70
Sotto itinanggi ang bintang na kinalikot ng Senado ang 2019 budget
Mar 11, 2019 @ 15:27
By

Sotto itinanggi ang bintang na kinalikot ng Senado ang 2019 budget

Pinabulaanan ni Senate President Vicente Sotto III ang akusasyon ni House Appropriations Committee chairperson Rep. Rolando Andaya Jr., na may ginalaw din umano ang Senado sa naratipikahang 2019 pambansang budget.

Bunga nito, hinamon niya ang Kamara na pirmahan na at ipadala sa kanya ang printed copy ng 2019 budget.

“Kung totoo ‘yung sinasabi nila na may ginalaw ang Senado at sila ay indirectly umaamin na may ginalaw sila…kung ganun ang sinasabi nila at ang tingin nila ay legal ‘yung ginawa nila, e ‘di pirmahan nila. I-submit nila sa amin dito. That’s the challenge. Pirmahan nila, papirmahan nila sa Speaker ‘yung sinasabi nila at ipadala nila sa akin,” giit ni Sotto.

Matatandaang noong Sabado nang ibunyag ni Sotto na nag-realign ang Kamara ng P79 milyon habang inakusahan naman ni Andaya ang Senado na may P75 milyon realignment daw sa budget.

Mariin itong itinanggi ni Sotto.

“Hindi, hindi totoo ‘yun. Lahat noong ginagawa nila sa House, binibintang nila sa amin. I’m saying nga, we assure you not a single centavo was touched after we ratified,” saad ni Sotto.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?