118

Jul 31, 2019 @ 19:55
By

Sotto: Imbestigasyon ng Senado sa korapsyon sa PCSO, tuloy

Matutuloy pa rin ang imbestigasyon ng Senado sa talamak ng katiwalian sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) kahit inalis na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang suspensiyon sa operasyon ng lotto.

Ayon kay Senate Presidente Vicente Sotto III, mas mainam na masuri ang charter ng PCSO para malaman kung dapat ba itong baguhin pa o hindi.

“Oo (tuloy ang imbestigasyon). Mabuti na rin para mapag-aralan ng mabuti ‘yung charter ng PCSO. Baka kailangan bigyan sila ng mas matapang na powers or baka kailangan baguhin ang powers. Mas mabuti ring i-review na natin,” pahayag ni Sotto sa panayam ng mga reporter.

Kailangan aniyang tingnan ding mabuti kung dapat pa bang ipagpatuloy ang operasyon ng small town lottery (STL), Peryahan ng Bayan, Keno at iba pang laro na pinapatakbo ng PCSO.

“Kailangan i-scrutinize mabuti. Kung gusto ng gobyerno ituloy pa rin yung STL at yung iba pang mga games of chance ng PCSO, i-scrutinize na lang ng mabuti,” sabi ni Sotto.

“Higpitan ang pagbibigay ng franchise, higpitan yung mga ika nga eh nakakakuha ng permit or franchise sa kanila. Pati yung mga bentahan ng franchise, paglilipat ng franchise, higpitan din dapat yun,” dagdag nito.

Iimbestigahan din umano ng Senado ang isyu ng hindi pagbibigay ng tamang koleksiyon ng mga nagpapatakbo ng STL kaya malaki ang nawawala sa gobyerno.

Samantala, sinabi naman ni Senador Win Gatchalin na malaking ‘relief’ sa 6,300 lotto operatos ang pag-alis ng suspension sa operasyon ng lotto.

“I agree with the decision of President Duterte to order the resumption of lotto operations. This is a welcome relief for the more than 6,300 six thousand three hundred lotto outlet operators affected by the ban imposed by the President,” ani Gatchalian.

“And I believe that because lotto is primarily computerized and automated, the leakage in revenue is very negligible, if at all,” dagdag pa nito.

Muli niyang iginiit na dapat isapirbado na lang ang operasyon ng PCSO para maiwasan ang talamak na katiwalian sa naturang ahenisya.

“Having said this, I reiterate my call to privatize the operations of all PCSO-franchised gaming activities to simplify operations,” ani Gatchalian.

“We must also go after corrupt government officials and punish them to the fullest extent of the law. Kailangang managot ang mga nagnanakaw sa kaban ng bayan,” dagdag pa nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?