128

Oct 6, 2017 @ 8:52

Sotto hirap i-define ang fake news

Aminado si Senate Majority Leader Vicente “Tito” Sotto III na sadyang mahirap bumuo ng batas laban sa fake news dahil sa ngayon pa lang ay hirap na rin tukuyin kung ano ang ibig sabihin nito.

“Mahirap magkaroon ng batas sa fake news sapagkat fake news itself perse kasi ang hirap idefine. Siguro meron tayong pwedeng mga batas na matalakay yan pero content driven hindi pwedeng ung outright fake yan,” saad ni Sotto.

Sinabi ni Sotto na kung magkakaroon ng batas sa pekeng balita ang matatamaan pa rin ay ang mainstream media habang ang mga nasa social media ay hindi naman maapektuhan.

Posible naman anyang magkaroon ng amendment sa cybercrime law upang upang ipagbawal ang mga hindi nakarehistrong online users.

“Medyo may kabigatan yan kaya dapat pag-aralang mabuti, reviewhing mabuti yan kasi papalag na naman dyan ung mga freedom of expression, freedom of speech saka u privacy,” pahayag pa ni Sotto.

Samantala, inihayag ni Senador Gregorio “Gringo” Honasan na panahon na upang maalerto ang lahat sa talamak na fake news lalo na sa social media

Iginiit ni Honasan na kumilos ang bawat isa at magkaisa para gumawa ng hakbang para mapigilan ang pagkalat ng fake news.

Ipinaliwanag ni Honasan na dahil sa fake news, nagkakaroon na maagang paghusga dahil na rin sa trial by publicity na kahit hindi pa man nakakasuhan, ay nasisira na ang pangalan ng tao at ang pamilya lalo na ang mga anak ng mga biktima.

Iginiit ng senador na dapat nang pairalin ang due process at rule of law at itigil na ang pagpapakalat ng fake news sa pamamagitan ng self-regulation at pagpipigil mismo ng indibidwal. (Dang Samson-Garcia)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?